Ano ang pinakamahusay na paraan ng kontraseptibo ang pwede kong gamitin sa panahon ng COVID-19?

Lahat ng modernong pamamaraan ay mahusay at ligtas gamitin. Ngunit dahil sa panahon ng pandemya, mahirap ang pag-akses dito.

Maaring gamitin ang mga sumusunod at hindi nangangailangan ng isang Health Care Worker (HCW):

  • Kondom
  • LAM o Lactational Amenorrhea Method
  • Pildoras
  • FAB o Fertility Awareness Method

Heto naman ay nangangailangan ng isang HCW:

  • Implant
  • IUD
  • Injectable

May mga Telemedicine Hotline na maari mong lapitan para sa karagdagang impormasyon at serbisyo:

DOH Telemedicine Hotline
COVID Hotline: 02-894- COVID
(02-894-26843); 1555
Non-COVID Hoteliine: 02-8424-1724

Globe TeleHealth Inc.(KonsultaMD)
02-7798-8000

Philippine Medical Association
http://docph.org

De Los Santos Medical Center
TeleMedicine Hotline: 8-877-3891
COVID Hotline: 8-877-3884
Oras: 9:00AM- 11:00AM at 1:00PM-3:00PM

Healthway Medical
0920-969 (HWAY) 4929
0917-629-6584
Oras: 9:00AM- 5:00PM

Sakin, kondom lang ginagamit namin. Tapos napag-alaman ko ang tungkol sa implant. Nagpa-implant ako sa Likhaan Women’s Health Center. Libre ito at mababait ang kanilang staff. Kung interesado kayo- basahin nyo ang tungkol sa implant dito https://findmymethod.org/compare-methods/ at para naman magpalagay ng implant, bumisita sa Likhaan FB Page: https://www.facebook.com/likhaanph

Sa panahon namin ni Andres, wala pa talagang kontraseptib. (Siguro naman, kilala nyo ako ano?!) Hehe. Pero kung uso na ang ganito at nakakapagpasya ako-- parang gusto ko din ang implant.

Consommer des fruits riche en vit C et pratique le sport.

Consommer des fruits riche en vit C et pratique le sport.

Di kasi sya one size fits all eh. Depende din talaga sayo. Pero mas okay pa din magpa-check up para mas guided. Naranasan kong itry ang pills nung 18yo ako. Tapos nalaman ko yung implant. Medyo mahal lang sa private hospital at 5k. Pero sobrang sulit.

1 Like

Condom is the key. Widrawal works too…

Oo, I agree. Lahat ng modernong pamamaraan ng kontraseptibo ay ligtas. Pero yun din, di din sya para sa lahat. May mga pros at cons ang bawat kontraseptibo sa bawat tao, bawat katawan. Kaya mas okay pa din na #findmymethod. Alamin ang bawat pamamaraan. Magtanong sa ibang gumagamit ng partikular na paraan at higit sa lahat, bumisita sa klinika at magpakonsulta.

Nakalimutan ko, para sakin-- implant. Nexplanon yung brand.

Copyright © 2020. Find My Method. All rights reserved.