Ayokong mabuntis sa panahon ng COVID-19. Ano ang dapat kong gawin?

  1. Magsimulang gumamit ng kontraseptibo. Kung gumagamit na, ipagpatuloy ang paggamit ng mga kontraseptibi na hindi kailangan ng reseta o tulong ng nagsasanay na HCW.
  2. Maari ring sumangguni sa mga nagsasanay na HCW sa pamamagitan ng pagteks, tawag or pagbisita sa mga website ng mga pinagkakatiwalaang tagapag-bigay serbisyo.
  3. Maari rin gumamit ng Emergency Contraceptive Pills o ECP sa loob ng 3-5 araw.
  4. At higit sa lahat, iwasan ang pakikipagtalik.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpipigil sa pagbubuntis, bisitahin ang findmymethod.org o makipag-ugnay sa amin sa aming mga platform sa social media: Facebook, Instagram at Twitter o ipadala sa amin ang iyong mga katanungan sa pamamagitan ng email sa [email protected].

1 Like

Maganda tong forum na to. Sana maraming kababayan ko ang sumali dito sa talakayan.

Nais ko lang ibahagi ito: https://www.aljazeera.com/news/2020/07/philippines-faces-baby-boom-lockdown-hits-family-planning-200714063035071.html

1 Like

Ligtas na pagtatalik. Paano? Gumamit ng kontraseptibo gaya ng kondom. Panalo ang #4. Tama nga naman, wag munang makipagtalik.

Meron din, kung nakaligtaan ang paggamit ng kontraseptibo- gumamit ng emergency contraceptive pill. Take note lang na limitado palang ito at kailangan mo ng reseta sa pagbili sa mga botika.

1 Like

Refrain from having sex and use contraceptives like condoms or pills to prevent pregnancy.

1 Like

I think, safe sex pa din talaga sa pamamagitan ng paggamit ng kontraseptibo. Maraming iba’t ibang kontraseptibo na available at pwedeng makuha ng libre. Pero dahil di pa din 100% ligtas lumabas, limitado ang pagpipilian at pag-akses sa mga clinics. Importante pa din na pag-usapan nyo ng partner nyo: kung hindi komportable sa paggamit ng kontraseptibo gaya ng kondom at kung hindi pa handa sa pagkakaroon ng baby sa panahon ng pandemya. :innocent:

1 Like

Condom, :speak_no_evil:
Best to be safe than Never :ok_hand::point_left:

1 Like

Hi BinibingPH!
Parang pang-universe ang pangalan. Ang ganda! Tama po, mas mainam po talaga na gumamit tayo ng kontraseptibo. Pero hindi po para sa lahat ang paggmit nito. Merong hindi komportable. Meron din walang akses sa mga pamamaraan. Ang nakakalungkot, ang iba, walang impormasyon sa paggmit dito.

Dagdag lang po, tama po kayo, kung nakalimutan ang paggamit ng kontraseptibo sa pagtatalik at hindi pa handa, pwede po gumamit ng emergency pill o Plan B pill. Ito po ay nangangailangan po ng reseta sa pagbili ha.

Tama po- abstinence at paggamit po ng contraceptives talaga. Isa pa, kung hindi pa ready, wag makipagtalik. Importante ang komunikasyon sa magpartner. Respeto at tunay na pagmamahal din ito sa bawat isa.

Hello Pacific_girl! Feeling ko soul-mate kita. Hehehe. Tama po, maraming pong public health centers at women’s health organizations na nagbibigay ng libreng kontraseptibo gaya ng IUD, Implant, pills at iba pa. Kung may alam po kayo na pwedeng puntahan- ishare naman natin dito. :slight_smile:

Tama po-- best to be safe than never po talaga. Mas mainam na may alam tungkol sa mga kontraseptibo at ligtas na pagtatalik. :slight_smile:

Copyright © 2020. Find My Method. All rights reserved.